-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Luna sa lalawigan ng La Union.

Ayon sa Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may lalim ang lindol na 10 kilometro na tumama dakong alas-3:52 ng umaga ng Biyernes , Setyembre 19.

Naramdaman ang intensity 3 sa Bolinao at Bani sa lalawigan ng Pangasinan; Sinait at Vigan City sa Ilocos Sur at sa Bontoc, Mountain Province.

Intensity 2 naman ang naramdaman sa Laoag City sa Ilocos Norte; Candon at Narvacan sa Iloso Sur; Bangar sa La Union; Dagupan City; Lingayen at Urdaneta City sa lalawigan ng Pangasinan.

Naramdaman naman ang intensity 1 sa Dinalupihan at Orani sa Bataan; Baguio City; Obando at Calumpit sa Bulacan; Claveria sa Cagayan; San Nicolas sa Ilocos Norte; Tagudin sa Ilocos Sur; Malabon City; Guagua sa Pampanga; Umingan at Sison sa Pangasinan; Ramos at Bamban sa Tarlac; Subic, Iba, Masinloc, San Marcelino at Cabangan sa Zambales.

Ibinabala ng Phivolcs na asahan ang mga aftershcocks sa Lalawigan ng La Union.