-- Advertisements --

Inirerekomenda ng La Salle Institute of Governance,ang pagkakaroon na ng virtual na pangamgampanya ng mga kandidato sa 2022 elections.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Ian Jason Hecita, lead policy research specialist ng La Salled Institute of Governance mahalaga ang nasabing paraan para maiwasan ang physical contact.

Pinayuhan nila ang Commissio on Elections (COMELEC) na dapat magkaroon sila ng contigency plan sakaling lumala pang kaso ng COVID-19 at magkaroon ng kalamidad.

Nauna ng sinabi rin ng COMELEC na hindi malabong ipatupad ang nasabing pagbabawal ng in-contact campaigning para sa 2022 elections dahil na rin sa banta ng COVID-19.