-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ng aktor na si Epy Quizon dahil sa nagtapos na ito ng kolehiyo sa edad na 53.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan ng kaniyang pagtatapos.
Makikita sa nasabing post niya ang mga larawan habang ito ay nakasuot ng toga at tumatanggap ng diploma sa De La Salle University (DLSU).
Sa kaniyang capiton ay sinabi nitong sa tatlong dekada na ang nakalipas noong 1996 ay nasa DLSU rin ito subalit hindi natuloy ang pagtatapos sa pag-aaral.
Inialay ng aktor ang kaniyang diploma sa namayapang amang si comedy king Dolphy at sa inang si Pamela Ponti.
















