Nasa 62% ang posibilidad na makaranas ng La Nina ang bansa sa taong ito.
Ito ang inihayag ni DOST Secretary Renato Solidum nakikitang mararanasan ito pagsapit sa buwan ng Hunyo, subalit hindi naman aniya agad mararamdaman ang epekto ng La Nina.
Paliwanag ni Solidum, dahil sa pinagsamang epekto ng El Nino at la Nina magkakaroon ng pagkaantala o delay ng panahon ng tag ulan.
Base aniya sa historical data, nakararanas ang bansa ng mainit at tuyong hangin bago mag la nina, kaya napapahaba ang mga buwan na may drought condition.
Ang kasagsagan nito aniya ay ngayong A bril at Mayo, saka mababawasan pagsapit ng June hanggang July.
Ang epekto nito, may mga probinsiya pa ring makararanas ng drought condition hanggang pagsapit ng August.
Pagsapit aniya ng Setyembre ay wala nang nakikita ang PAGASA na drought condition sa bansa, kundi papasok na ang mga pag ulan at bagyo.
Kinumpirma din ni Solidum na patuloy na humihina ang El Nino subalit ang epekto nito na mainit na panahon at tagtuyot ay patuloy na mararanasan.