CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang binatang kusinero na wanted sa batas sa San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay si James Nacion, 21 anyos, binata at residente ng barangay Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inaresto ang akusado sa pamamagitan ng maigting na inteligience monitoring ng Cauayan City Police Station.

Dinakip ng pulisya si Nacionsa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ariel Palce ng Regional Trial Court Branch 40 Cauayan City sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 ( Child Abuse).

Makakalaya lamang pansamantala ang akusado kapag nakapaglagak ng piyansang P72,000.00.