CEBU CITY – Hindi umano nakatanggap ng tawag o offer na babayaran si Rep-elect Emmarie “Lollipop” Ouano-Dizon ng Cebu 6th district para sa bobotohan nitong House speaker.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyang sinasabing may vote buying sa magaganap na pagpili ng bagong speaker kung saan target pa nito ang mga bagong kongresista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Dizon sinabi nitong tila nahahati pa nga ang kanyang puso dahil puro kakilala niya ang lahat na mga kandidato.

Aniya, si Leyte Rep-elect Michael Romualdez ang hipag umano ng kanyang kapatid na si Provincial Board Member Thadeo Jovito “Jonkie” Ouano dahil ang asawa ni Romualdez ang kapatid ng asawa ni Jongkie.

Habang ang ama naman ni Sen. Alan Peter Cayetano ang umano’y malapit sa kaniyang partido kung saan naging downline si Dizon at si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ang kasama niya sa PDP Laban

Kaya naman tiniyak ni Dizon na tama ang magiging desisyon niya sa pagboto.
Kung sino umano ngayon ang iindorso ni Presidente Rodrigo Duterte ‘yon ang kanyang susuportahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here