Nadagdagan pa ang kumpirmadong bilang ng mga Pilipino na namatay dahil sa wildfire sa Maui island sa Hawaii.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), natukoy ang ikatlong biktima na si Salvador Coloma, 77 anyos.
Sinabi din ng DFA na nakipag-ugnayan na ang Konsulada sa mga kamag-anak ng nasawing Pinoy at nagpaabot ng pakikiramay at nag-alok ng suporta at tulong.
Una ng natukoy na Filipino-Americans na nasawi mula sa wildfire ay sina Alfredo Galinato, 79 anyos at Rodolfo Racunan, 76 anyos .
Samantala, ayon sa DFA maaari pa ring tumawag ang mga kamag-anak ng mga Pilipino na nananatiling nawawala o apektado sa emergency hotline ng Konsulada ng Pilipinas sa Honolulu na +1808 253-9446 para maberipika nila ang records ng mga napaulat na nasawing Pilipino o iba pang distressed Filipinos.
Una ng napaulat sa unang bahagi ng linggong ito na nasa mahigit 100 katao na ang namatay sa wildfire at nagpapatuloy ang search at retrieval operations.