GENERAL SANTOS CITY- Sugatan ang mataas na opisyal ng New Peoples Army o NPA matapos na barilin ng mga otoridad kahapon sa Kalaong Maitum Sarangani Province.

Kinilala itong si Kumander Nicanor Pason alyas Ronron, alyas Kumander yoyong at alyas Kumander Costan- 51 anyos na taga Kablacan, Maasim Sarangani Province.

Sa pinagsamang pwersa ng 27th IB Philippine Army at kapulisan ng Maitum, pinara ang grupo nito, subalit akmang bubunot ng granada sa kanyang bag ay pinaputukan na ito ng mga otoridad at natamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang paa.

Kasamang naaresto sina Bernard Petero , 47 anyos, single na taga Polomolok South Cotabato, Josephine Sumagaysay, 53 anyos na taga Brgy Sayon Maitum at Reynaldo Loyola na taga Prk 5 Brgy Sayon Maitum.

Nakuha sa mga miyembro ng NPA ang dalawang granada at dalaang blasting caps.

Mahaharap ang naturang grupo sa violation of illegal possesion of explosives ilalim sa Republic Act 9516.