clippers doc rivers

Muling namayagpag si Kawhi Leonard gamit ang 25 points upang tulungan ang Los Angeles Clippers na idispatsa ang Oklahoma City Thunder, 109-94.

Nalimitahan ng Clippers sa opensa ang Oklahoma City sa 42%.

Tumulong din naman sa ika-42 panalo ng Clippers sina Montrezl Harrell at former Thunder player Paul George na nagpakawala ng 16 points.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng koponan.

Ang Thunder naman ay natigil sa 37-24 record.

-- Advertisement --

Sa ibang game, nakabawi na rin ang NBA champion na Toronto Raptors laban sa Phoenix Suns, 123-114.

Ginamit ng Raptors ang rally sa pangunguna nina Pascal Siakam na may 33 points, Kyle Lowry na nagpakita ng 28 upang wakasan ang kanilang tatlong sunod-sunod na talo.

Samantala, ginulat naman ng kulelat na Golden State Warriors ang Denver Nuggets, 116-100.

Dumiskarte si Eric Paschall ng siyam sa 22 points sa fourth quarter habang si Andrew Wiggins ay umeksena sa kanyang double-double performance na may 22 points at 10 assists para sa Warriors (14-48).

Sa ngayon hawak ng Nuggets ang 41-20.