-- Advertisements --

Tinatayang lalakas pa ang bagyong Kristine, habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, malawak ang buwelo ng naturang sama ng panahon kaya hindi malayong makapag-ipon pa ito ng higit na pwersa ng hangin.

Huling namataan ang typhoon Kristine sa layong 1,285 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Sa forecast ng ibang international weather agencies, maaari pa itong umabot sa super typhoon category.

Habang sa data ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ngayon pa lang ay pasok na ito sa naturang kategorya, lalo’t mas malakas ang nadi-detect nilang lakas ng hangin mula sa nasabing sama ng panahon.