-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Hong Kong Open.

Ito ay matapos na mabigo siya kay Victoria Mboko ng Canada sa score na 3-6, 6-3, 6-4 sa Round of 16.

Matapos ang panalo ni Eala sa first set ay bumawi agad ang 19-anyos na si Mboko.

Hawak pa ng 20-anyos na si Eala ang 4-1 na kalamangan sa third set bago umarangkada muli si Mboko.

Ang nasabing torneo ay siyang pagtatapos ng WTA tournament ni Eala ngayong taon.

Target naman ni Eala na sumabak sa nalalapit na South East Asian Games sa Thailand.