Kinatigan ng Kataastaasang hukuman ang inisyu ng Senado na subpoena na layong atasan si former Bamban Mayor Alice Guo na magtestigo sa imbestigasyon.
Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao sa naganap na En Banc session ng Supreme Court, ibinasura nito ang petisyon ni Alice Guo hinggil sa subpoena.
Nais kasi ng kampo ng dating alkalde na hamunin ang naturang subpoena ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, at Gender Equality (Committee) na nais siyang imbitahan bilang resource person.
Kaugnay ang subpoena sa ‘inquiry’ ng Senado sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa Bamban, Tarlac kung saan siya naglingkod bilang alkalde.
Maalalang nag-isyu ang kumite ng Senado ng ‘arrest order’ kontra ay Alice Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa dalawang pagdinig.
Kaya’t naghain si Guo ng petisyon sa Korte Suprema at iginiit na ang Senado’y nilabag ang kanyang karapatan magkaroon ng due process, privacy at security.
Hiniling din niya sa Supreme Court na alisin nito ang kinakaharap na ‘contempt order’ laban sa kanya.
Ngunit sa kabila nito, binigyang diin ng Kataastaasang Hukuman na wala namang nilabag ang Senado at sinunod naman anila ang Senate Rules of Procedure at konstitusyon.