Ipinahayag ng abogado ni Curlee Discaya na binigyan sila ng korte ng tatlong araw upang magsumite ng memoranda kaugnay sa habeas corpus plea na may deadline sa Miyerkules, Oktubre 15.
Ito’y matapos dumalo ng pagdinig si Discaya sa Regional Trial Court Branch 298 sa Pasay City nitong Lunes para sa naturang petition.
Magugunitang inaresto si Curlee Discaya noong Setyembre 18 dahil sa contempt of court ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y pagsisinungaling tungkol sa hindi pag-sipot ng kanyang asawa na si Sarah Discaya sa isang pagdinig ukol sa anomalya sa flood control projects.
Bagamat nilinaw ng kampo ni Discaya ang umano’y iregularidad sa kanyang pagkakakulong, nanindigan ang Senado na lehitimo ang kanilang contempt order.
Kaugnay nito patuloy paring mananatili si Curlee Discaya sa kustodiya ng Senado hanggang sa maglabas na ng pinal na desisyon ang korte kaugnay sa magiging resulta ng habeas corpus plea na inihain ng Discaya ngayong araw.