-- Advertisements --

Minamadali na ng isang Korean vaccine developer ang planong phase 3 clinical trials sa Pilipinas ng kanilang COVID-19 vaccine na Eucorvac 19.

Kaakibat ng clinical trial, nangako ang kompaniya na magbibigay ng apat na milyong doses ng kanilang produkto para sa mga Filipino, sa oras na matapos na ang pag-aaral.

Sinabi ni Philippine Ambassador Maria Theresa Dizon, nakipag-pulong na siya sa mga opisyal ng Eubiologics, nang magtungo sila sa planta ng vaccine developer sa Chuncheon, South Korea.

Pero hindi pa ito masisimulan agad, dahil tinatapos pa ng mga ito ang phase 2 clinical trial sa kanilang bansa at sa ihahanda ang phase 3 clinical trial dito sa Pilipinas.

Iniulat naman ng Korean embassy na nagsumite na ang Eubiologics ng kanilang application letter sa Department of Science and Technology (DOST).

Sa panig ng Department of Health (DoH), sinabi nilang welcome ang mga ganitong development upang mabilis na maabot ng bansa ang community protection.