-- Advertisements --
Vice Mayor Charlie Natanauan
Vice Mayor Charlie Natanauan/ FB post

LEGAZPI CITY – Humingi ng paumanhin sa naging pahayag sa Department of Interior and Local Government (DILG) subalit nanindigan ang bise alkalde sa mga kontrobersyal na pahayag sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vice Mayor Charlie Natanauan ng Talisay, Batangas, mas pinaniniwalaan nito ang karanasan ng pamilya sa bulkan sa loob ng limang dekada na isang beses lamang pumutok.

Direktang sinabi ni Natanauan na hindi kumbinsido sa Phivolcs na tatagal pa ng ilang buwan ang aktibidad ng Taal volcano lalo pa at una nang nasira ang equipment ng ahensya.

Bukas naman si Natanauan sa pagsunod sa lockdown subalit apela pa rin na magbigay ng “window hours” sa mga residente upang makabalik sa tahanan.

Iniiwasan lamang aniya nito ang kaawa-awang sitwasyon ng mga residente na umaasa lamang sa relief goods.

Samantala, nabatid na nananatili pa sa Natanauan sa danger zone at busy sa paglilinis ng inibagsak na abo ng bulkan sa tahanan nito.