Konsehal na tumatakbo bilang barangay kapitan, sugatan sa nangyaring ambush sa Quezon Province

49

Sugatan ang isang kandidato para sa Barangay elections sa nangyaring ambush sa Barangay Malaya sa General Luna, Quezon province gabi ng Huwebes.

Natukoy ng kapulisan ang biktima bilang si Barangay Malaya Councilor Ruben Ilagan, 63 anyos na tumatakbo bilang barangay kapitan sa naturang lugar.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanang dibdib at agad isinugod sa pagamutan.

Si Ilagan ang ikalima ng biktima ng election-related violence sa naturang bayan.

Base sa imbestigasyon, naglalakad noon ang naturang kandidato pauwi na ng kaniyang bahay matapos dumalo sa isang pagpupulong malapit sa barangay hall nang pagbabarilin siya ng apat na beses ng 2 kalalakihang nagtatago sa madilim na lugar. Tumakas naman ang mga suspek patungo sa Lopez, Quezon.

Isinumbong naman ni Mayor Matt Erwin Florido ang insidente sa kapulisan at inilarawan na ang suspek ay nakasuot ng facemasks at sumakay sa gateaway vehicles nito na kulay asul na motorsiklo.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa green category ng areas of concern ang General Luna o nangangahulugan na generally peacful.