Gary Lising

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagkamatay ng beteranong komedyanteng si Gary Lising.

Ang komedyante ay 78-anyos.

Ayon sa nag-iisang anak ni Lising na si Bugsy, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng kanyang ama sa kanyang condo unit kahapon, Mayo 31.

Sinabi ni Bugsy na nitong mga nakaraang araw ay hindi na maayos ang kalagayan ng kalusugan ng kanyang ama.

Taong 2009 nang nagkaroon ng cardiac arrest ang komedyante at nasundan noong 2012.

Pagkatapos ng kanyang cardiac arrest noong 2012, kinailangan niyang sumailalim sa angioplasty, hindi lang isang beses.

Ang komedyante ay nakilalala sa pagbibitaw ng mga “green jokes.”

Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Run Barbi Run at Alyas Boy Tigas noong dekada ‘90.