Babajie
BabaJie/ FB image

Pumanaw na ang komedyanteng si Babajie sa edad na 35.

Ayon sa kaanak nito dakong 3 p.m nitong Lunes ng malagutan ng hininga ang komedyante sa San Lazaro Hospital sa Manila dahil sa pneumonia.

Si Alfredo Cornejo Jr sa tunay na buhay ay sumikat sa isang gag show sa telebisyon.

Nakilala ito dahil sa kaniyang baba at nakasama sa ilang mga pelikula.

Noong Abril 25 ng ma-confine ito sa pagamutan kung saan ang pneumonia ay sinasabing isang sintomas ng coronavirus subalit tikom naman ang bibig ng mga kaanak nito kung positibo ba ito sa virus.