houston rockets russell westbrook
Rockets Russell Westbrook (photo from @HoustonRockets)

Winakasan na rin ng New York Knicks ang anim na sunod na panalo ng Houston Rockets sa pamamagitan ng 125-123 winning score.

Bumida ang Knicks rookie guard na si RJ Barrett na nagtala ng 27 points upang pahiyain ang Rockets.

Malaking tulong din ang ginawa ni Julius Randle na nagpasok ng 16 points at 16 rebounds kung saan umabot pa sa 21-point ang kalamangan ng New York (19-42).

Nasayang naman ang diskarte ni James Harden na may 35 points at eight assists at si Russell Westbrook na may 24 points at nine rebounds na sumablay pa ang huli sanang puntos na pull-up jumper para sa Houston (39-21).

Sa Biyernes ang next game ng Rockets kung saan host sila laban sa Los Angeles Clippers.

-- Advertisement --

Ang Knicks naman ay host din kontra Utah Jazz sa Huwebes.