-- Advertisements --

Nakahulagpos ang New York Knicks sa tablang serye ng Eastern Conference, matapos ang kanilang Game 5 kanina laban sa Indiana Pacers.

Nagtapos ito sa score na 121-91.

Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan nilang magawa para makapasok sa finals, na magiging kauna-unahan mula 1999-2000 season.

Kumamada sa laban si Jalen Brunson ng 44 points para sa New York.

Nasa 28 sa mga ito ay naipasok sa first half at may pitong assist, habang nag-ambag si Josh Hart ng 18 points at 11 rebounds.

Samantala, si Tyrese Haliburton naman ay nanamlay sa 13 points at five assists lamang para sa Indiana.

Pero umaasa ang kanilang panig na makakagawa pa ng paraan ang Pacers para mapanatiling buhay ang laban sa Eastern Conference.