-- Advertisements --
KORONADAL CITY- Nagpapatuloy sa ngayon ang assessment ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kaugnay sa nangyaring magnitude 5.0 na lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PDRRMO Officer Mercy Forunda, naramdaman ang pagyanig sa ilang bayan sa North Cotabato kung saan sinuspende ang klase.
Ayon kay Forunda, sinuspende sa lahat ng lebel sa Kidapawan City samantala elementary at secondary level naman ang sinuspende ang klase sa bayan ng Makilala.
Samantala, ayon naman sa PHIVOLCS, sentro ng lindol ang bayan ng Makilala habang naitala naman ang Intensity IV sa Kidapawan City at Intensity III sa Pikit, North Cotabato.
Wala naman naitalang sugatan sa lindol subalit naramdaman ang ilang aftershocks.