LAOAG CITY – Kinansela na rin ang klase sa lahat ng paaralan sa United Arab Emirates (UAE) sa loob ng isang buwan dahil sa coronavirus.

Ito ay ayon kay Velinda Aoalin, tubong Banna, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang Domestic helper sa Dubai.

Sinabi ni Aoalin na ito ang naging desisyon ng UAE Education Ministry para hindi na kumalat pa ang coronavirus na posibleng pakaapektuhan ng mga mag-aaral.

Aniya, magsimulang walang pasok ang mga paaralan sa UAE sa linggo, Marso 15 sa kasalukuyang taon.

Samantala, inihayag pa ni Aoalin na hindi na rin siya nakakalabas ng bahay dahil pinagbawalan siya ng kanyang amo dahil sa takot ng mga ito na mahawaan na virus.