Nananatiling kanselado ang klase sa ilang lokal na pamahalaan sa gitna ng epekto ng Typhoon Depression Opong, nagdaang bagyong Nando at pinaigting na habagat na patuloy na nagdudulot ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
Sa Metro Manila, walang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Valenzuela City.
Sa Calabarzon: suspendido ang face-to-face classes sa lahat batas sa Jalajala, Rizal.
Sa Central Luzon: kanselado ang klase sa lahat ng antas sa Bataan at Paniqui sa Tarlac habang was ding f2f classes sa Calumpit sa Bulacan, at Arayat, Bacolor, Masantol, San Fernando, at Santo Tomas sa Pampanga.
Sa Cordillera (Benguet), particular sa Atok, Kabayan, La Trinidad – walang klase mula preschool hanggang senior high school. Habang sa Kibungan at Sablan – walang klase sa preschool hanggang elementarya, pero sa Madaymen at Tacadang suspendido sa lahat ng antas.
Sa Ilocos Region: particular sa Ilocos Norte – walang klase sa lahat ng antas.
Sa Pangasinan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Alaminos, Bautista, Dagupan City, San Carlos City, at iba pang bayan tulad ng Bayambang, Binmaley, Calasiao, Lingayen, Malasiqui, Mangatarem, Mapandan, Pozorrubio, Rosales, Sta. Barbara, Sta. Maria, at Sual. habang kanselado ang klase sa lahat ng antas sa pre-school hanggang Senior high school sa Mangaldan, Sison, at Basista. Wala namang face to face classes sa lahat ng antas sa public at private sa Aguilar, Asingan, Bugallon, Manaoag, San Fabian, San Jacinto at Urbiztondo.