Marvin Bagley III
Marvin Bagley / IG post

Umatras na si Sacramento Kings forward Marvin Bagley III sa pagsali sa USA Basketball team.

Ito ay dahil magiging prayoridad niya ang paparating daw na bagong season ng NBA.

Wala pang napiling pamalit si USA Baskeball coach Gregg Poppovich kay Bagley.

Kabilang kasi si Bagley sa select team na siyang mga batang NBA players maglalaro sa FIBA World Cup sa China.

Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang manlalaro ang Sacramento ang nasa training camp ng USA Basketball na sina Harrison Barnes at De’ Aaron Fox.

Habang mayroon namang apat na manlalaro ang Boston Celtics Jaylen Brown, Marcus Smart, Jayson Tatum at Kemba Walker.

Kabilang pa rin ang manlalaro ng Milwaukee Bucks na si Brook Lopez at Khris Middleton at Brooklyn Nets na sina Joe Harris haban gang Los Angeles Lakers ay andiyan si Kyle Kuzma at Toronto Raptors ay si Kyle Lowry.

Pero may impormasyon na aatras na rin daw si Lowry.

Nagsasanay din sa Team USA Basketball sina Utah Jazz Donovan Mitchell, Denver Nuggets Mason Pluelee, Houston Rockets P.J. Tucker, Indiana Pacers Myles Turner at San Antonio Spurs Derrick White.