-- Advertisements --

Ibinahagi ni King Charles III ang karanasan sa paglaban sa canser kung saan aniya marami siyang natutunan sa kinahaharap na karamdaman.

Sa isang mensaheng ipinadala sa pagtitipon para sa mga grupong tumutulong sa mga may canser ang kanyang karanasan aniya ay nagpakita ng “pinakamagandang aspeto sa sangkatauhan.”

Maaalalang sinabi ng Buckingham Palace noong Pebrero 2024 na si King Charles ay may canser, na nadiskubre matapos ang isang prostate procedure. Bagama’t hindi inilahad ang uri ng canser, sinabi ng Palasyo noong Disyembre ng nakaraang taon na maayos ang tugon ng Hari sa kanyang gamutan.

Muling nasilayan si King Charles sa mga public duty noong nakaraang taon.

Samantala, pinasalamatan niya ang mga organisasyon at indibidwal na nagbibigay ng suporta, pagaalaga, at pagbibigay ng pag-asa par sa mga pasyenteng may cancer. Binanggit din ni King Charles na sa kabila ng takot at hirap na dulot ng sakit, nakita rin niya ang matinding malasakit at kabutihan ng tao.