Nagpa-abot ng kaniyang taos pusong pasasalamat ang Hari ng Britanya si King Charles III sa mga “well-wishers” sa kaniyang unang pahayag matapos ma-diagnosed ng cancer.
Sa isang mensahe sa publiko, inihayag ng 75-taong-gulang na monarch na ang mga mensahe na ipinadala sa kaniya ay maituturing na ” equally heartening” o nakakapagpapasigla na marinig at nakakatulong sa kaniyang diagnosis na itaguyod ang pag-unawa sa kaniyangkondisyon.
“I would like to express my most heartfelt thanks for the many messages of support and good wishes I have received in recent days. As all those who have been affected by cancer will know, such kind thoughts are the greatest comfort and encouragement,” pahayag ni King Charles.
Ang nasabing mensahe ng hari ay nakalathala sa website ng monarch at sa royal family’s official page sa social media platform X.
“It is equally heartening to hear how sharing my own diagnosis has helped promote public understanding and shine a light on the work of all those organisations which support cancer patients and their families across the UK and wider world.”
“My lifelong admiration for their tireless care and dedication is all the greater as a result of my own personal experience,” dagdag pa ng Hari.
Sa nasabing pahayag pirmado ang sulat na nakalagay “Charles R.”
Nuong nakaraang Lunes, inanunsiyo ng Buckingham Palace na na-diagnosed na may cancer ang hari at nagsimula na ito sa kaniyang treatment.