-- Advertisements --
Pinasa na ni King Charles III ang kaniyang titulo na Prince at Princess of Wales sa panganay nitong anak na si William at manugan na si Catherine.
Ayon kay King Charles ang nasabing titulo ay kaniya minana kasama ang namayapang dating asawa nito na si Diana.
Umaasa ito na ipagpatuloy nina Williams at Kate ang mga nasimulan nilang magagandang gawain.
Si Charles na naging Prince of Wales noong 1958 ay otomatikong naging hari matapos ang pagpanaw ng ina nito na si Queen Elizabeth II.