Naghatid ng tulong sa mga tricycle driver ang aktres at host na si Kim Chiu bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, kung saan namahagi siya ng libreng gasolina at grocery packs sa mga nakapilang driver.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Kim ang simpleng mensahe na: “Birthday charity sa mga jeepney and tricycle driver!” habang mas maraming larawan at kuwento ng mga nakatanggap ng ayuda ang lumabas mula sa mga netizen.
Hindi na ito bago sa aktres, na kilala sa kanyang taunang mga charity initiatives tuwing nagbi-birthday. Nauna na rin siyang tumulong sa mga Aeta sa Zambales at nagbigay ng construction materials sa mga nasalanta ng lindol sa Cebu.
Maraming nakatanggap ng tulong ang nagpahayag ng pasasalamat, na sinasabing malaking bagay ang simpleng suporta ng aktres lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at hirap sa hanapbuhay ng mga driver.
Samantala, naging emosyonal din si Kim sa kanyang birthday celebration kung saan ibinahagi niya ang kanyang birthday wish para sa “ultimate happiness” at pasasalamat sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga, at pamilya.
Si Kim, na ay nagdiwang ng kanyang ika-36 na kaarawan.
















