-- Advertisements --

Lumawak pa ang kilos protesta sa bansang Iran laban sa inflation at pagbaba ng halaga ng pera nila.

Umabot na sa tatlong araw ang nasabing kilos protesta na nagsimula sa Tehran at ngayon ay nagaganap na rin sa iba’t-ibang lungsod.

Ilan sa mga lungsod kung saan isinagawa

Nagsimula ito nitong araw ng Linggo ng naging mababa ang halaga ng Iran rial laban sa US dollar.

Nakakalat naman ang mga kapulisan para matiyak na naipapatupad ang seguridad sa lugar.

Inatasan naman ni Iranian President Masoud Pezeshkian ang kaniyang mga gabinete na gumawa agad ng hakbang at tugunan ang mga panawagan ng mga nagsasagawa ng kilos protesta.