Nagtala ng dalawang panibagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19) ang probinsya ng Cotabato.
Itoy batay sa pinakahuling tala ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region at IPHO-Cotabato.
Ayon kay PIATF ICP Head BM Philbert Malaluan na ang ika – 74 na pasyente ay isang 65 anyos na lalaki at nagmula sa Kidapawan City
Nakaranas umano ito ng ubo, pangangati ng lalamunan at panghihina ng katawan dahilan upang isugod ito sa isang pampublikong pagamutan noong Setyembre 3 kung saan agad itong isinailalim sa swab test.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing at patuloy na iniimbestigahan ang travel at exposure history nito.
Nasa maayos na kondisyon ang pasyente at isolated.
Ang ika-75 kaso ay isang 23 anyos na babae mula pa rin sa Kidapawan City.
Isa itong Locally Stranded Individual (LSI) na mayroong travel history mula sa Negros Occidental na agad isinailalim sa swab test paglapag nito sa Davao International Airport (DIA) noong Setyembre 3.
Agad itong inindorso sa Kidapawan City LGU pagdating nito sa lalawigan ngunit noong Setyembre 5 ay nakaranas ito ng pag ubo kaya sumailalim ito sa swab test noong Setyembre 7.
Tiniyak pa ni BM Malaluan na ang pasyente ay asymptomatic, nasa stable condition at isolated.