CENTRAL MINDANAO- Bago nagpaso ang Enhanced Community Quarantine sa Kidapawan City ay pinalakas pa ang pagbabantay sa mga entry at exit points sa lungsod laban sa Covid 19.

Nilagdaan ni Mayor Joseph Evengelista ang Executive Order (EO) number 32 at itinaas sa Modified Community Qurantine ang Kidapawan City.

Mag-uumpisa ang Modified Community Quarantine sa Kidapawan City ngayong araw April 7.

Nakasaad sa EO 32 na hihigpitan pa ang mga umiiral na alituntunin sa Public Health Emergency kontra Covid 19.

Lilimitahan din ang pagpasok sa siyudad ng Kidapawan at mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours.

Nagpaalala naman ang Alkalde sa mga lumalabag sa Modified Community Quarantine na mananagot sila sa batas.