-- Advertisements --
Ken Chan
Ken Chan/ IG post

Hindi na interesadong magsampa pa ng kaso ang actor na si Ken Chan sa driver na nakabangga sa kaniyang sasakyan.

Sinabi ng actor na awa ang nanguna sa kaniya matapos na makita ang kalagayan ng driver.

Naganap ang insidente nitong Miyerkules ng hapon sa Timog Avenue.

Walang anumang tinamong sugat ang actor subalit nasugatan ang driver nito at isang kasamahan niya na agad namang dinala sa pagamutan.

Umaasa ang actor na gumaling na agad ang nakabangga sa kaniya dahil ito ay nagtatrabaho pa.

-- Advertisement --