Muling dinomina ng Los Angeles Clippers superstars na sina Kawhi Leonard at Paul George ang Game 4 gamit ang tig-31 points upang itumba ang Utah Jazz sa nagpapatuloy na Western Conference second-round series.
Dahil dito nagawang maitabla ng Clippers ang serye sa 2-2.
Ito na ng ikalawang sunod na panalo ng LA at ika-11 laro ngayong post season na nagposte ng kapwa 20 puntos o mahigit pa sina Leonard at George.
Batay sa NBA history sila ang ikatlong tandem na nakagawa ng ganito mula noong unang pagkakataon sa panahon nina Shaquille O’Neal at Kobe Bryant sa Lakers taong 2003.
Mula sa first quarter hanggang matapos ang game ay hindi hinayaan ng Clippers na mahabol pa sila ng karibal na Utah.
Wala ring nagawa ang 37 points ni Donovan Mitchell, habang inalat ang kanyang mga teammates.
Si Mitchell ang unang NBA player mula sa Golden State Stephen Curry noong 2019 na nagtala ng sunod na anim na games na may 30-points o higit pa sa playoffs games.
Ang crucial Game 5 ay gagawin sa Huwebes sa harap ng mga fans ng Jazz sa Salt Lake City.