BUTUAN CITY – Hindi na ikinagulat pa ng Partido Manggagawa ang mga ma-anomalyang flood control projects na iniimbestigahan ng Kamara.
Ayon kay Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng nasabing grupo, luma na ang nasabing isyu, at ang mahalaga na lang sa ngayon ay kung may magandang kahahantungan sa nasabing imbestigasyon.
Naniniwala si Fortaleza na ang Local Government Unit o LGU ang dapat na mag-iimbestiga sa nasabing isyu.
Gayunpaman,hindi pa rin magtatagumpay kung ang LGU lang ang mag-iimbistiga dahil karamihan sa mga opisyal ay hawak pa rin ng mga kongresista.
Dagdag pa ni Fortaleza, kailangang patunayan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang galit, lalo na’t bilyon-bilyong piso ang nakukuha ng kanyang opisina bilang presidente para lang sa Intelligence Fund.