Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magbibigay ito ng libreng Special Nursing Review Program (SNRP) para sa mga underboard na nursing graduates.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na maaaring maging Clinical Care Associate (CCA) ang mga nurse graduates habang naghahanda na maging lisensyado.
Para sa mga interesadong underboard nurses, maaaring mag-apply sa SNRP sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Pumunta sa pinakamalapit na DOH hospital at makipag-ugnayan sa chief nurse o kaya naman ay pumunta sa pinakamalapit na Center for Health Development at makipag-ugnayan sa mga training specialist.
Maaaring magsumite ng aplikasyon hanggang sa Setyembre 5, 2025.
Ang naturang inisyatiba ay naglalayong matugunan ang kakulangan sa health care workers sa bansa at mabigyan ng pagkakataon ang mga underboard nursing graduates na mas magkaroon ng tiyansnag makapasa sa board exam.