-- Advertisements --
Emosyonal na ibinunyag ni girl group member BINI na si Maloi Ricalde na ito ay na-diagnosed ng Polycystic Ovary Syndrome o PCOS.
Sinabi nito na ang pagkakaroon ng PCOS ang itinuturing niyang “greatest fear”.
Dagdag pa nito na papayag siyang mawala ang mga gamit huwag lamang siyang magkaroon ng PCOS.
Pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya kaya labis niyang ikinalungkot ang pagkakaroon ng PCOS.
Bumuhos naman ng suporta mula sa kaniyang fans at maging sa BINI members matapos na malaman ang balita.