Problema pa rin ngayon ang suplay ng tubig sa malaking bahagi ng US na naapektuhan ng winter storm.

Nagkaroon kasi ng crack ang mga tubo, offline treatment plants at frozen wells kaya walang suplay ng tubig ang maraming mga kabahayan.

Tumulong na rin ang mga national guard para magbigay ng mga inuming tubig sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Pumapalo na kasi sa 58 katao ang nasawi bunsod ng winter storm.

Dahil na rin sa sama ng panahon, naantala maging ang anim na milyong vaccine doses.

-- Advertisement --

Pinag-iingat naman ng national weather system ang ilang estado laban sa mas matinding pag-ulan ng yelo lalo na sa Boston at bahagi ng Northeast part ng US.

Kinansela na rin ni US President Joe Biden ang pagbisita sa Texas dahil ayaw niyang maging pabigat pa sa mga nasasalanta ng sama ng panahon.

Nakatakda namang pirmahan nito ang major disaster declaration para mapalawak pa ang pagbibigay ng tulong goyberno sa Texas.