CAUAYAN CITY Naitala ang kauna unahang kaso ng COVID 19 sa Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Gov. Rodito Albano ng Isabela sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Inihayag ni Gov. Albano na ang nasabing pasyente ay ginagamot sa Southern Isabela Medical Center o SIMC.

Sa ngayon ay limitado pa ang mga impormasyon na inilalabas ng provincial government ng Isabela upang hindi magpanic ang mga mamamayan sa lalawigan.

Ayon pa kay Gov. Albano nasa maayos namang kalagayan ang positive covid 19.

Sa ngayon ay nakikiusap ang gobernador sa mga mamamayan ng Isabela na maging maingat at sumunod sa ipinapatupad na enhanced community Quarantine.