-- Advertisements --

Sinimulan na sa Seattle, Washington ang kauna-unahang human trial para sa bakunang mRNA-1273 kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ngunit ayon sa isang US health official, maaaring umabot ng 18 buwan hanggang isang taon bago ito magamit ng mga ospital sa buong mundo.

Kinakailangan pa raw kasing sumailalim ng naturang gamot sa marami pang trial phases para siguraduhin na wala itong magiging side effects sa mga pasyente.

Dinivelop ang gamot ng mga siyentipiko mula sa US National Institutes of Health katuwang ang Moderna, isang biotechnology company sa Cambridge, Massachussets.

Pinondohan naman ang proyekto na ito ng Oslo-based Coalition for Epidemic Preparedness Innovations.

Samantala, isang 43-anyos na ina sa nasabing seaport city sa Washington State ang unang isinalang sa naturang COVID-19 vaccine trial.

“This is an amazing opportunity for me to do something,” saad ni Jennifer Haller sa isang panayam. (BBC)