Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo/ IG post

Pumalo na sa mahigit 1-million ang YouTube channel subscriber ng actress na si Kathryn Bernardo.

Ito ay matapos ang dalawang linggo mula ng ilunsad niya ang “Everyday Kath” na vlog noong Enero 3, 2020.

Sa kaniyang unang vlog ay ipinost ng actress ang throwback Iceland trip niya kasam ang nobyong si Daniel Padilla noong Setyembre 2019.

Ang actress ang siyang pinakahuling local celebrities na naglunsad ng kaniyang YouTube channel.

Ginawa aniya ng actress ang vlog para mas lalo siyang makilala ng kaniyang mga fans.