Inatasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng dahan-dahang pagre-categorize sa mga industriya habang niluluwagan ang mga restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa Resolution 56 na inilabas ng IATF, maaaring ilagay ng DTI ang ilang industriya sa Category III mula sa Category IV kung kinakailangan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Makakasama ng DTI ang Department of Finance (DOF), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) sa pagsasagawa ng review.
Kabilang sa mga Category III industries ang financial services, legal and accounting at auditing services; professional, scientific, technical at iba pang non-leisure services; barbershops and salons at iba pang non-leisure wholesale and retail establishments.
“The resumption of, or gradual increase in operating capacity, and continued operations of Category III industries shall be subject to their proprietors’ compliance with the proper health protocols set by the DTI,” bahagi ng resolusyon.