-- Advertisements --

Ibinasura ng judge sa New York ang dalawang kasong terorismo laban kay Luigi Mangione ang pumaslang kay UnitedHealthcare CEO Brian Thompson.

Subalit nilinaw ni Judge Gregory Carro na mananatili pa rin ang kaso nitong second-degree murder.

Paliwanag ni Carro na nabigo ang prosecutors na maglabas ng ebidendya sa kasong terorismo laban kay Mangione.

Magugunitang binaril ni Mangione si Thompson sa Manhattan street noong Disyembre ng nakaraang taon.