CAGAYAN DE ORO CITY – Itutuloy pa rin ng mga pesonalidad ang sinampang kaso sa korte laban kay DILG Secretary Eduardo Año dahil sa barrier isyu sa mga motorsiklo sa bansa.

Ito ay sa kabila nang pagpayag ng IATF na maaari na ang backride kahit walang harang basta nakatira lamang sa iisang bahay at Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang pasahero.

Sinabi ni Atty. James Judith, abogado ng petitioner, nakukulangan sila sa bagong pahayag ng IATF dahil sa posibilidad na maari pa itong magbago.

Ayon kay Atty. Judith, nais nilang mabigyang-linaw at masiguro na hindi na babaguhin ng IATF ang pagpayag sa mga backride kahit maging ano pa man ang status sa isang lugar dahil sa COVID-19.