Siniguro ng Department of Health na nananatiling kontrolado ang kaso ng Mpox sa bansa sa kabila ng pagtaas sa bilang ng tinatamaan nito.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa,sa ngayon ay hindi pa kabilang ang Pilipinas sa public health emergency of international concern na unang inilabas ng World Health Organization.
Ibig sabihin ay hindi pa malala ang kaso ng MPOX sa Pilipinas.
Hindi pa tukoy ang eksaktong bilang ng tinamaan ng kaso ng MPOX sa bansa bagamat sa kabila nito ay tiniyak ng ahensya na mas mababa ang bilang ng mga kaso ng sakit ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon.
Patuloy naman ang isinasagawang kampanya ng ahensya para magbigay ng kaalaman sa publiko kung paano makakaiwas sa mpox at kung paano ang gamutan.
Aniya, ang mga kaso ng mpox sa bansa ay kabilang lamang sa mas mild na Clade II variant nito.