-- Advertisements --
Cebu provincial Capitol
Cebu Provincial Capitol

CEBU CITY – Nakapagtala na naman ng limang panibagong kaso sa coronavirus disease (COVID-19) ang Mandaue City nitong Martes.

Tatlo sa mga ito ay mga inmates ng Mandaue City Jail.

Umabot na sa 234 ang bilang ng kumpirmadong kaso kung saan walo na ang recoveries at apat ang death toll.

Samantala, naitala naman ang 96 na panibagong kaso ng COVID sa Cebu City dahilan para umabot na sa 1,992.

Nadagdagan naman ng dalawang panibagong kaso ang Lapu-lapu City na naging dahilan na umabot na sa 87 ang total cases sa lungsod.

Habang inaanunsiyo pa ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tatlong kaso naman ang panibagong naitala sa probinsiya ng Cebu kung saan nagmula ang mga ito sa lungsod ng Talisay, Malabuyoc at San Fernando.

Isang 39-anyos na lalaking inmate ang panibagong nagpositibo sa bayan ng San Fernando at 46-anyos na lalaki naman ang sa lungsod ng Talisay.

Isa namang 59-anyos na lalaki at dialysis patient ang kauna-unahang kaso sa bayan ng Malabuyoc ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw na ito noon pang Mayo 23.

Umabot na ngayon sa 126 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa probinsiya ng Cebu.