Hindi pa rin makakapaglaro si Minnesota Timberwolves center Karl-Anthony Towns dahil sa patuloy pa umano itong nagpapagaling mula sa natamong wrist injury.

Ayon kay coach Ryan Saunders, hindi na rin pinasama ng team si Towns sa kanilang unang ensayo matapos ang All-Star break.

Sinabi pa ni Saunders na hindi pa rin masisilayan si Towns sa mga nalalapit nilang laro, ngunit hindi na nito binanggit kung ilan.

Matatandaang nalantad sa MRI ang injury ni Towns, dahilan upang hindi ito sumabak sa huling game ng Minnesota bago ang All-Star break.

Ngayong season, nakapagtala ng career-best na 26.5 points at 10.8 rebounds per game si Towns.

Sa Sabado, babalik sa aksyon ang Timberwolves sa pagharap nila sa Celtics.