-- Advertisements --
Nagpakitang gilas si Shai Gilgeous-Alexander matapos makapagtala ng 40 points, 9 rebounds, at 10 assists sa Oklahoma City Thunder sa kanilang panalo kontra Minnesota Timberwolves, 128-126.
Hawak na ng Thunder ang 3-1 bentahe sa kanilan best of seven series, Nag-ambag din si Jalen Willians ng 34 points, habang si Chet Holmgren ay nagdagdag ng 21 points.
Tinuturing si Gilgeous-Alexander na nagpaangat sa Thunder sa huling quarter ng game, matapos makabulsa ng 5 sa 6 na free throws sa loob ng huling 15 seconds.
Samantala, nanguna naman para sa Timberwolves si Nickeil Alexander-Walker na may 23 points mula sa bench, sinundan ni Jaden McDaniels na may 22 points, at Donte DiVincenzo na may 21 points.