-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang karagatan bahagi ng Catanduanes.

Ayon sa Philvolcs, naramdaman ang lindol dakong alas-8:45 nitong gabi ng Martes.

May lalim ang nasabing pagyanig ng 9 kilometers at ito ay tectonic in origin.

Nakita ang epicenter nito sa silangan ng bayan ng Gigmoto.

Naramdaman din ang intensity 2 sa Palo, Leyte.

Inaalam pa rin ng mga otoridad kung may mga damyos na naidulot ng nasabing lindol.

Dahil na rin sa pagyanig ay pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente malapit sa baybayin ng Gigmoto na mag-ingat dahil mayroong naranasang pagtaas ng alon ng hanggang isang metro.