Lalo pang lumakas ang bagyong Karding na inaasahang aakyat pa sa typhoon category sa loob ng susunod na 24 oras.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 km sa silangan ng Casiguran, Aurora o 520 km silangan ng Baler, Aurora.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 25 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Signal No. 2:
Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Jones, San Agustin, Echague, San Guillermo, San Mariano), southeastern portion ng Quirino (Nagtipunan, Maddela), southeastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), eastern portion ng Nueva Ecija (Bongabon, Laur, Palayan City, General Tinio, Gabaldon, Pantabangan, Rizal), Aurora, eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray), eastern portion ng Rizal (Rodriguez, City of Antipolo, Tanay), eastern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti), northern at central portion ng Quezon (General Nakar, Pollilo Islands, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan), northwestern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot) at Camarines Norte
Signal No. 1:
Southern portion ng Cagayan (Peñablanca, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Tuao, Piat, Amulung, Rizal), nalalabing lugar sa Isabela, iba pang parte ng Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Apayao (Conner), Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos), Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, natitirang parte ng Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, nalalabing bahagi ng Laguna, iba pang parte ng Rizal, natitirang bahagi ng Quezon, Cavite, Batangas, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Marinduque, northwestern portion ng Occidental Mindoro (Lubang Islands, Paluan, Abra de Ilog), northewestern portion ng Oriental Mindoro (San Teodoro, Puerto Galera, City of Calapan, Baco)