-- Advertisements --
Hiling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi na mabawasan ng mga mambabatas ang P881.3 billion na pondo na inilaan sa kagawaran sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.
Madalas kasing nababawasan sa panahon ng paghimay ng Kongreso ang pondo dahil nailalaan ito sa iba pang programa ng gobyerno.
Pero nangangahulugan din umano ito ng delay sa kanilang mga programa, lalo na ang mga kailangang maihabol sa panahon ng tag-ulan at iba pa.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, dumaan na sa preliminary assessment at na-verify na sa field ang mga nakasaad sa National Expenditure Program (NEP).
Handa rin umano silang maipatupad ang mga proyekto ng DPWH sakaling maisabatas ang panukalang national budget.